-- Advertisements --

Pinayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na iwasan ang Quezon City mamayang hapon dahil sa pagsisimula ng Parade of the Stars ng 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sinaib ni MMDA Chairman Romando Artes, na mayroon na silang itinalagang alternatibong rota para hindi gaanong kumapal ang trapiko.

Nitong gabi lamang ng Martes kasi ay isinara na nila ang bahagi ng E. Rodriguez dahil doon ipaparada ang mga walong float na kalahok sa MMFF.

Binisita na rin nila ng mga alternative route at tiniyak na may nakatalagang mga tauhan nila para mabantayan ang daloy trapiko.

Inabisuhan na rin ng MMDA ang mga motorista na iwasan ang pagdaan sa Quezon city ng alas-dos ng hapon dahil sa doon magsisimula ang parada na matatapos sa Quezon Memorial Circle.