Makikipag-ugnayan ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Department of Education (DepEd) para sa resumption ng pilot face-to-face classes sa National Capital Region (NCR) na inilagay na sa ilalim ng Alert Level 2 sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Iginiit ni Abalos na “napakaganda” ng pilot face-to-face classes bago pa man ito sinuspinde nang inilagay ang Metro Manila sa ilalim ng Alert Level 3 dahil sa pagsirit ng naitatalang bagong COVID-19 cases at sa pagsulpot naman ng mas nakakahawang Omicron variant.
Matatandaan na noong Agosto 2021, isang poll ang inilunsad ng isang education group, na nagsasabing 66 percent hanggang 86 percent ng mga public school students ang kaunti lamang ang natutunang sa ilalim ng remote learning setup na ipinatupad dahil sa global health crisis.
Isinagawa ang naturang poll ng Movement for Safe, Equitable, Qualiy and Relevant Education sa 1,299 public school students sa buong bansa.