-- Advertisements --
Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Linggo na huhulihin nito ang mga motorcycle riders na gagamit ng bicycle lane sa kahabaan ng EDSA mula Agosto 21.
Ayon sa MMDA, hindi na magamit ng ilang bike riders ang lane na nakatalaga sa kanila dahil sa dami ng mga motorsiklong dumadaan dito.
“Ang bike lane ay hindi fast lane para sa mga motorcycles. Simula bukas, Agosto 21, huhulihin na ang mga nagmomotor na gagamit ng bicycle lane sa EDSA,” giit ng MMDA.
Dagdag pa nito, pagmumultahin ng P1,000 ang mga magkakamaling motorcycle riders dahil sa pagbabalewala sa mga traffic signs.