Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nakatakdang buksan ang Motorcycle Riding Academy nito sa Setyembre 27.
Sa isang pahayag, sinabi ng MMDA na ang academy ay magbibigay ng pormal na pagsasanay sa mga sumasakay sa parehong theoretical at practical na aspeto ng pagsakay sa motorsiklo.
Gayundin ang pangunahing pagsasanay sa pagtugon sa emergency.
Layunin ng Academy na mabigyan ang mga sumasakay ng pangunahing pagsasanay sa paghawak ng mga motorsiklo, disiplina sa kalsada, at pagsunod sa mga patakaran ng trapiko.
Kaugnay niyan, noong 2018 kasi naitala ng MMDA Metro Manila Accident Reporting and Analysis System (MMARAS) ang mga motorcycle riders bilang kabilang sa pinakamataas na nasawi sa pagbangga sa kalsada na humigit-kumulang 38% o 224 na nasawi mula sa kabuuang 590.
Tumaas ang mga nasawi mula 2020 at 2021, na naitala sa 253 at 295.
Ayon sa 2018 Global Status Report on Road Safety ng World Health Organization (WHO), ika-11 ang Pilipinas sa ika-175 na bansa na may naiulat na bilang ng mga namatay sa trapiko sa kalsada sa 10,012 kung saan 4.7% ay mga driver/pasahero ng 2- o 3 wheelers.
Sa pamamagitan ng motorcycle riding academy, umaasa ang MMDA na mababawasan ang naitatalang mga disgrasya at aksidente na kinasasangukat ng mga motorsiklo.