-- Advertisements --
mmda logo

Nakipagpulong ang MMDA sa Department of Agriculture kasama ang mga Market Administrators ng 17 local government units sa National Capital Region.

Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang 5-point Farm-to-Market Direct Supply Linking sa Metro Manila ng area mapping, crop monitoring, market linking, delivery routing at ang product dispatching.

Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes, ito ay magiging malaki ang tulong sa mga magsasaka at nagtitinda ng mga produktong pang-agrikultura.

Aniya ito ay posibleng mapababa ang presyo ng ilang mga bilihin sa merkado lalo na kung mayroong oversupply ng mga gulay at iba pang agricultural products.

Sa kasalukuyan kasi, ay bahagyang nakakaranas pa din ang ating bansa ng inflation sa mga bilihin.