-- Advertisements --

Nagpakamatay ang 27-anyos na mister na umano’y inaway at pinalayas ng kanyang misis matapos itong magbigti sa bahay ng kanyang ina sa Malinao, Aklan.

Bandang alas-11:00 kagabi nang matagpuan ng ina ang kaniyang anak na nakabitin sa kisame ng kanilang bahay. Kinilala ang biktima bilang si alyas na “Cardo.”

Ayon sa pinsan ng biktima, huling nakita itong buhay dakong alas-6:00 kagabi na nakipag-inuman sa labas ng kanilang bahay.

Umuwi raw ito sa bahay ng kaniyang ina matapos palayasin ng misis, dalawang linggo na ang nakalilipas.

Paulit-ulit aniyang nagsusumbong ang biktima sa kanyang pamilya na tuwing nagtatalo silang mag-asawa ay pinamumukha ng kanyang misis na wala itong silbi.

Napansin umano ng pamilya ng biktima na palagi itong matamlay simula nang palayasin ng misis sa kanilang bahay sa Madalag.

Hindi na ito nagawang maisugod pa sa ospital.