-- Advertisements --

Tinanghal bilang bagong Miss Earth ngayong taon ang pambato ng Amerika na si Lindsey Coffey.

Batay sa impormasyon, gumawa ng kasaysayan si Coffey bilang pinakauna mula sa USA na nasungkit ang Miss Earth title.

Samantala, iginawad naman ang Miss Earth Water ang Fil-Belgian beauty mula Baguio na si Roxanne Allison Baeyens.

Roxie Miss Earth Water
Roxie: Twitter photo

“I’m just so grateful for the entire experience and of course to the Miss earth organization for making us find power in our voices to continue our advocacy during this trying time where the world needs it the most and I can’t wait for me and my eco queen sister to have an amazing reign,” saad nito sa isinagawang virtual competition.

Nabatid na otomatikong nakapasok sa Top 20 si Baeyens nang maging kabilang sa mga nagwagi sa Best Eco-Video.

Umusad pa hanggang Top 8 ang pambato ng Pilipinas bago nakapasok sa final round.

Kabilang pa sa mga nanalo ang Denmark bilang Miss Earth Fire 2020, habang ang Venezuela ay Miss Earth Air 2020.

Kung maaalala, noong nakaraang taon ay nasungkit ng bansa ang Top 20 finish sa Miss Earth sa pamamagitan ng dating TV host na si Janelle Tee.