-- Advertisements --

Umani ng paghanga mula sa mga Filipino ang pambato ng Spain sa Miss Universe 2022 na si Alicia Faubel.

Sa kaniyang social media kasi ay nagpost ito ng mga video habang nasa Pilipinas.

Makikita sa nasabing video na kausap ang ilang mga nakakasalamuha sa kalsada gaya ng bata at pedicab driver.

Mas lalong hinangaan ito dahil galing niyang magsalita ng tagalog.

Karamihang mga nagcomment sa video nito ay mga Pinoy na humanga sa galing nitong pagsalita ng tagalog.

Isa na rito ang pambato ng bansa na si Celeste Cortesi na labis ang paghanga nito sa kapwa contestant.

Kuwento ni Faubel na halos tatlong taon itong nanirahan sa Pilipinas at bumalik lamang ito matapos ang dalawang taon.

Naging malapit na aniya sa kaniyang puso ang Filipino dahil sa pagiging masayahin at matulungin.

Kabilang si Alicia na dumalo sa isang fashion show sa bansa kasama si Celeste.

Gaganapin naman ang Miss Universe 2022 pageant sa darating na Enero 14, 2023 sa New Orleans, Louisiana.