-- Advertisements --
Tinanggal na ng Miss Universe Organization (MOU) ang age limit sa mga kandidata.
Simula sa 2024 ay makakasali ang sinumang babae kahit na anong edad nila sa mga international pageants o ang mga affilated local pageants nila.
Maituturing na tinapatan lamang nila ang Miss Supranational pageant na itinaas ang age limit ng hanggang 32 noong 2022.
Ang nasabing pagtanggal na ng age limit ay maituturing na katuparan ng hiling ng kasalukuyang Miss Universe na si R’Bonney Gabriel.
Noong questioin and answer portion ng competition noong Enero, ay tinanong si Gabriel kung ano ang nais niyang mga pagbabago bukod sa pagpayag sa mga ina at mga may-asawa na ang puwedeng makasali na.