-- Advertisements --
image 203

Inanunsyo ng may-ari ng Miss Universe Organization na si Anne Jakrajutatip na nakatakda itong bumisita sa Pilipinas.

Ito ay inihayag ni Jakrajutatip sa kanyang isang social media account.

Mabilis na dumagsa ang mga Filipino pageant fans sa kanyang comment section na may kasabikan at mainit na pagtanggap para sa kanyang pagbisita sa bansa.

Gayunpaman, ang iba pang mga detalye, kabilang ang petsa at layunin ng pagbisita ng Chief Executive Officer ng Miss Universe Organization sa Pilipinas, ay hindi pa ibinubunyag, ngunit ang mga Pinoy pageant fans ay humahangos na sa kilig.

Kung matatandaan, sa 71st edition ng Miss Universe na ginanap sa New Orleans, USA, nagbigay si Anne ng isang makahulugang talumpati kung saan sumikat ang kanyang signature na linyang “Hello Universe”.

Una nang nakuha ng transwoman na si Anne ang mga karapatan sa pagmamay-ari sa Miss Universe pageant noong Oktubre 2022.