-- Advertisements --

Tila kinumpirma na ng Latin singer/actor na si Marc Anthony at ni Miss Universe 2021 first runner-up Nadia Ferreira ang kanilang romantic relationship.

Sa social media post ng 53-year-old Latin star, kasama nito ang 22-year-old Miss Paraguay beauty sa naging US concert tour nito.

Nilagyan ni Marc Anthony ng caption na “May God multiply all that you wish for us,” ang naturang larawan kung saan yakap niya ang model-beauty queen.

Una nang naging usap-usapan ang espesyal na relasyon ng dalawa matapos ilang beses na namataang magkasama

-- Advertisement --

Si Marc Anthony ay naging asawa ni 1993 Miss Universe Dayanara Torres noong 2000 hanggang 2004 at nagkaroon sila ng dalawang anak.

Tumagal naman ng pitong taon ang naging pagsasama ni Marc Anthony sa Grammy award-winning singer na si Jennifer Lopez kung saan nagkaroon sila ng kambal na anak.

Pagkatapos ng divorce kay J.Lo, muling ikinasal si Marc Anthony sa Venezuelan model na si Shannon Lima pero naghiwalay matapos lamang ang tatlong taon.