-- Advertisements --
Magkakaroon ng kakaibang uri ng Miss Philippines pageant ngayong taon.
Ayon sa nasabing organisasyon na na hindi na ito ang kadalasang pageant dahil sa tinanggal na nila ang ang swimsuit competition.
Magkakaroon naman ng formal wear competition kung saan sila ay dadaan sa red carpet gaya ng Cannes Film Festival.
Igagaya naman ang speeches sa Ted Talks kung saan ayon sa organizers na ang mga kandidata ay naka-tuon ang atensiyon sa promosyon ng Pilipinas sa mundo.
Magsisimula ang screening dates mula Setyembre 2 hanggang 9 sa Enderun Coworking Estancia sa Pasig City.
Ang nasabing pageant ay suportado ng Miss Universe Philippines.