ILOILO CITY – Inihahanda na ang kasong rape na isasampa laban sa dalawang suspek na tinuturong gumahasa umano sa 23-anyos na misis sa Oton, Iloilo.
Ang nagrereklamo ay si Alias Girlie, kasado at nakatira sa Dumangas, Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Corporal Josie Arida ng Women’s Protection Desk ng Oton PNP, sinabi nito na desidido ang biktima na maghain ng kaso sa kabila ng pagtodo-tanggi ng mga suspek na nakakulong na ngayon.
Ayon kay Arida, base sa salaysay ng biktima,, Oktubre 9 ng gabi nang nagkita sila ng kanyang chatmate na si Alias Boyboy at pumunta sila sa isang inuman kasama ang tatlong iba pa.
Sa alegasyon ni alyas Girlie, nang marami na silang nainom,dinala siya sa isang at doon siya pinagsamantalahan ni alyas Boyboy at sumunod si Alias Toto.
Hinatid at iniwan umano siya ng mga suspek sa plaza ng Oton at humingi ng tulong sa kanyang ex-boyfriend at kaagad tumungo sa police station.
Lumabas sa imbestigasyon na mula sa Dumangas sa bahay ng kanyang asawa ay umuwi ito sa Oton upang bumisita sa kanyang ina ngunit bago ito nakipagkita sa kanyang chatmate, tumira ito sa kanyang ex-boyfriend sa loob ng tatlong araw.