-- Advertisements --
ILOILO CITY -Idinaan ng Guimaras Provincial Government sa misa ang paggunita sa unang anibersaryo ng Iloilo Strait Tragedy.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Guimaras Vice Gov. Atty. John Edward Gando, sinabi nito na isagawa sa Guimaras Provincial Capitol ang misa para sa mga biktima ng nasabing trahedya.
Ayon kay Gando, limitado ang mga pinayagang dumalo sa misa bilang pagsunod sa physical distancing measure.
Pagkatapos ng misa, isinagawa ang wreath laying at ang pag-alay ng dasal sa Jordan Wharf at Buenavista Wharf.
Agosto 3, 2019 nang tumaob ang tatlong motorbanca dahil sa masamang panahon kung saan umabot sa 31 ang binawian ng buhay at naging pahirapan pa ang search and rescue operation na kalaunan ay naging search and retrieval operation.










