-- Advertisements --
1241745628.0

Pag-aaralan umano ng Minnesota Timberwolves kung anong parusa ang ipapataw sa kanilang center na si Rudy Gobert, matapos manuntok sa kanyang teammates, habang nasa kasagsagan ng kanilang laro laban sa New Orleans Pelicans.

Sa nasabing laro kasi, habang nagpupulong ang mga manlalaro ng Timberwolves, bigla na lamang sinuntok ni Gobert ang teammate na si Kyle Anderson.

Ayon kay Timberwolves president of basketball operations Tim Connelly, pinili nilang pauwiin si Rudy Gobert matapos ang insidente dahil sa aniya’y ‘unacceptable’ ang naging behavior nito.

Gayunpaman, wala pang opisyal na desisyon ang management kung anong kaparusahan ang kanilang ipapataw.

Pagtitiyak ni Connelly na hindi nila kokonsintihin ang ganitong ugali na ipinakita ng kanilang player.

samantala, sa likod ng naging komosyon, naipanalo pa rin ng Timberwolves ang kanilang laban kontra Pelicans sa score na 113 108.