-- Advertisements --

Target ng Department of Agriculture (DA) na magpataw ng minimum buying price ng palay sa rice traders o middleman.

Plano itong ipatupad ng ahensiya bago matapos ang taong 2025.

Layunin nito na matiyak na maibebenta ng mga lokal na magsasaka ang kanilang mga aning palay sa patas na presyo.

Inamin kasi ni DA Marketing and Consumers Affairs Assistant Secretary Genevieve Guevarra na may mga traders na bumibili ng palay sa hindi resonableng presyo na nasa P11 o P12 per kilo.

Noong nakalipas na buwan, nauna ng sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na iniimbestigahan na ang mga trader sa 32 lugar sa Luzon dahil sa umano’y pagbili nila ng palay mula sa mga lokal na magsasaka sa napakababang presyo.