-- Advertisements --
Binabaan ng Ukraine ang military mobilization age ng kanilang bansa para mas lumakas ang kanilang puwersa.
Sa batas na pinirmahan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na mula sa 27 ay ginawa ng 25-anyos ang edad para sa mga kalalakihan na pumasok sa miitary.
Ang hakbang ay para maraming mga tao ang papalit sa bilang ng mga reserves matapos na bumagsak ang bilang ng mga volunteers.
Una ng sinabi noong Disyembre ni Zelensky na kailangan nila ng mahigit 500,000 na mga sundalo para matapatan ang Russia.