-- Advertisements --

Aminado ang Department of National Defense (DND) na kulang ang asset ng militar ng pamahalaan para mabantayan ang Recto Bank sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi sapat ang mga kagamitan at barko ng bansa para makapagpatrolya sa tinaguriang fishing domain.

Kasunod nito sinabi ni Lorenzana na walang “sovereign rights” ang Pilipinas sa Recto Bank.

Paliwanag ni Lorenzana, sakop ng 200 Exclusive Economic Zone ng Pilipinas ang Recto Bank pero walang Exclusive Economic Rights ang Pilipinas dahil kahit sino ay maaring tumawid dito dahil sa freedom of navigation.

Nabatid na ang Recto Bank ay 85 nautical miles lang ang layo sa Palawan.

Samantala, itinuro naman ni Lorenzana ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na may malaking responsibilidad sa pangangalaga sa kapakanan ng mga mangingisda.

Kanya ring sinabi na napapanahon na para sa modernization ng Philippine fishing boats.