-- Advertisements --
IMG 20190827 185451

Sumalang na sa preliminary investigation ang reklamong inihain sa Department of Justice (DoJ) ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Lucena laban sa ilang militanteng mambabatas dahil pa rin sa pagkawala ng mga batang militanteng sinasabing hawak ng kanilang grupo.

Sumipot sa pagdinig ang inirereklamong sina Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago at Atty. Neri Colmenares.

Hindi nakapagsumite ng kontra salaysay ang mga respondent dahil kinuwestiyon ng mga ito ang pagsasampa ng kaso ng CIDG.

Partikukar dito ang pag-address sa isang personalidad ng representative gayong hindi naman partylist ang kanilang grupo kundi militanteng grupo lamang.

IMG 20190827 185415 1

Dumalo rin sa pagdinig ang ina ng mga batang nawawala na umano’y ni-recruit ng grupo.

Sa panig ng mga respondent sinabi ni Colmenares at Elago na pangha-harass lamang daw sa kanilang militanteng grupo ang anila’y gawa-gawang mga kaso.

Labis namang ikinabahala ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ng mga magulang ng mga nawawalang aktibista ang pagkawala ng mga estudyante.

Isasagawa ang susunod na imbestigasyon sa Setyembre 10.

Magugunitang una nang dumulog sa Senado ang mga magulang ng mga nawawalang estudyante ng Far Eastern University (FEU), Polytechnic University of the Philippines (PUP) at University of the East (UE) na sinasabing ni-recruit umano ng New People’s Army (NPA).