-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Department of Budget and Management (DBM) na matatanggap ng lahat na qualified government employees ang kanilang midyear bonus simula May 15,2023.

Batay sa pahayag na inilabas ng DBM ang midyear bonus ay katumbas ng kanilang one-month basic pay as of May 15.

Ang mga qualified civil servants ay yuong nakapag render ng atleast a total or aggregate apat na buwan sa serbisyo mula July 1,2022 hanggang May 15,2023.

Ang mga nasabing personnel ay dapat ding nasa serbisyo sa gobyerno simula May 15, at makakuha ng satisfactory rating.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman ang midyear bonus ay nakapaloob sa agency-specific allocation sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA).

“Alam naman po natin na isa ito sa mga inaabangan ng ating mga kapwa kawani ng gobyerno na talagang makatutulong sa kanilang araw-araw na pangangailangan,” pahayag ni Pangandaman.

Binigyang-diin ni Pangandaman sa lahat ng government agencies na ibigay sa oras ang bonus ng mga empleyado na nakasaad sa existing rules and regulations simula May 15.

Sinabi ni Pangandaman, ang midyear bonus ay ibibigay sa lahat ng mga posisyon para sa mga sibilyang tauhan maging regular, kaswal, o kontraktwal, appointive o elective, fulltime o part-time.

Kasama rin sa mga karapat-dapat na tauhan na makatanggap ng mid-year bonus ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines sa ilalim ng Department of National Defense at mga unipormadong tauhan ng Philippine National Police, Philippine Public Safety College, Bureau of Fire Protection, at Bureau of Jail Management and Penology ng Department of Interior and Local Government, Bureau of Corrections ng Department of Justice, Philippine Coast Guard ng Department of Transportation, at National Mapping and Resource Information Authority ng Department of Environment and Natural Resources.