-- Advertisements --
Ibinahagi ng sexy actress Michelle Madrigal ang bago nitong karelasyon.
Ito ay matapos ang isang taon ng ianunsiyo niya ang paghihiwalayan nila ng asawa.
Sa kaniyang social media ay nagpost ito ng larawang habang ito ay nasa beach kasama ang isang sinasabing bagong karelasyon.
Kinunan nag larawan sa Canyon Lake, Texas pero hindi pa nito pinakilala sa publiko ang lalaking kasama.
Binati naman siya ng kaniyang mga followers kung saan ikinatuwa nila ang bagong pag-ibig niya.
Magugunitang noong nakaraang taon ay inanunsiyo nito na hiwalay na sila ng asawang si Troy Woolfolk.
Taong 2019 ng ikasal ang dalawa at may anak na apat na taong gulang babae.