-- Advertisements --

Kinoronahan bilang Miss Universe 2023 ang advocate ng animal protection at sustainability na si Sheynnis Palacios ng Nicaragua  sa 72nd edition ng Miss Universe na ginanap sa José Adolfo Pineda Arena sa El Salvador, Linggo, Nov. 19.

Gumawa ng kasaysayan ang model at beauty queen na si Sheynnis bilang kauna-unahang Miss Universe winner sa Nicaragua mula noong taong 1955.

1st runner-up ang pambato ng Thailand na si Anntonia Porsild habang 2nd runner-up si Miss Australia Moraya Wilson.

Samantala, nagtapos naman sa Top 10 ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Marquez Dee.

Hindi man nakausad sa Top 5, hakot award naman ang Philippine bet dahil nasungkit ni Dee ang Gold para sa Voice for Change, Spirit of the Carnival Award, at Fan vote.

Kung matatandaan si Michelle Dee, ay Top 3 din sa final hot picks ng beauty pageant website na Missosology.

Nagpaabot ng lubos na pasasalamat si Dee sa pagmamahal at suportang natanggap niya mula sa kanyang Pinoy fans sa Miss Universe journey niya sa El Salvador.

Kabilang naman sa Top 5 ang Puerto Rico at Colombia.

Ang representative ng Colombia na si Camila Avella ang pinakaunang babaeng kasal at may anak na nakapasok sa Top 5 sa kasaysayan ng Miss Universe.