-- Advertisements --

Muli na namang namayagpag ang Miami Heat para mapatibay pa ang pagiging No. 1 seed sa Eastern Conference.
Ito ay makaraang talunin ng Heat ang Chicago Bulls, 127-109.

Ito na ang kanilang ika-50 at isang panalo na lang ay makukuha na nila ang homecourt advantage sa Game 1 sakaling magsimula na ang NBA playoffs.

At kung masundan pa ito ng 3-1 record sa mga susunod na laro ay maibubulsa na nila ang pagiging top seed sa East.

Nanguna sa diskarte ng Miami ang dating Bulls player na si Jimmy Butler na umiskor ng 22 points, habang nagpakita naman sina Kyle Lowry at Tyler Herro ng tig-19 points.

Samantalang si Bam Adebayo ay nagtapos sa 16 upang lumamang pa sa 1 1/2 game ang abanse ng Miami sa Bucks na nasa ikalawang pwesto.

Wala rin namang nagawa ang Bulls top players na sina Zach LaVine kahit na may 33 points at si DeMar DeRozan ay nagpakita ng 26 puntos.