-- Advertisements --
image 195

Pinahiya ng number-8 seed na Miami Heat ang NBA best team na Milwaukee Bucks sa score na 130 – 117.

Nanguna sa koponan ng Miami si Jimmy Butler na nagbuhos ng 35 big points, kasama ang 11 rassissts at 5 rebounds, sa loob ng 43 mins na paglalaro. Maliban kay Butler, tatlong players pa ng Miami ang nagtapos sa double-digit scores.

Nalimitahan naman sa anim na puntos lamang ang Bucks Superstar na si Giannis Antetokounmpo sa kanyang limitadong playing time.

Nasaying din ang big double-double ni Jrue Holiday na 16 assists, 16 points.

Bagaman kumamada ng 33 points ang 2nd best scorer ng Bucks, hindi pa rin ito naging sapat upang talunin ang Miami matapos nilang idomina ang tatlong unang kwarter ng laro.

Sa ngayon, hawak ng Miami Heat ang 1-0 lead laban sa Bucks para sa best of seven series ng NBA Playoffs.