-- Advertisements --

Inihahanda na umano ng Miami Heat ang trade package na maaari nilang ipalit sa Portland Trailblazers upang makuha si Damian Lilliard.

Kinabibilangan ito ng tatlo hanggang sa apat na first-round picks at draft pick swaps, kasama na ang ilang kasalukuyang miyembro ng Eastern Conference defending champion.

Sa kasalukuyan, wala pang lumalabas na pangalan na isasama dito ngunit posibleng ang mga batang players umano ng nasabing koponan ang isasama sa package.

Maalalang naunang lumutang ang isyu sa NBA na walang ibang team na gustong mapuntahan ni nLilliard kungdi ang Miami, bagay na ikinagalit naman ng NBA.

Dahil sa nasabing isyu, kinausap ng NBA management ang kampo ni Lilliard ukol sa nasabing isyu, bagay na itinanggi naman ni Lilliard.

Magugunitong sa nakalipas na NBA Finals 2023, ang Miami Heat ang nakaharap ng 2023 NBA Champion Denver Nuggets, ngunit umabot lamang ito ng isang panalo.