-- Advertisements --

Natigil na rin ang kamalasan ng Miami Heat matapos na matuldukan ang apat na sunod-sunod na talo makaraang tambakan ang Sacramento Kings, 123-100.

Dahil dito, balik muli sa pagiging top team ang Miami sa NBA Eastern Conference.

Sa pagkakataong ito hindi na nagpabaya sina All-Star Jimmy Butler na may 27 points, Bam Adebayo na nagdagdag ng 22 points at 15 rebounds at si Tyler Herro na nagpakawala ng 20 puntos para makaiwas lalo pagkalaglag sa napakahalagang playoff seedings.

Malaki kasi ang implikasyon ng pagiging numero uno dahil ang makakatapat nito ay ang huling team na makakasama sa playoffs.

Ang defending champion na Milwaukee Bucks ay humabol sa No. 2 spot habang nasa No. 3 ranking naman ang Philadelphia Sixers.

Samantala, anim na lamang na games ang nalalabi sa Miami bago matapos ang mga laro nito ngayong regular season.

Sa susunod na buwan ay simula na rin ng pinakakaabangang NBA playoffs.