-- Advertisements --
Screenshot 2021 01 30 11 22 46

KALIBO, Aklan – Umaabot na sa 30 ang turistang nahuli ng mga otoridad na gumagamit ng pekeng RT-PCR tests upang makapasok sa isla ng Boracay.

Ayon kay Malay Mayor Frolibar Bautista na ang pinakahuli ay noong Huwebes, Enero 28 matapos maka-aresto na naman ng tatlong turista na may hawak na pekeng RT-PCR tests.

Aniya, karamihan sa naturang mga turista ay nakapasok na sa Boracay bago malamang peke ang kanilang swab tests.

Nakakaalarma at delikado umano ito sa mga staff at guests ng mga hotels lalo pa at ilan sa mga turistang nahuli at nagpositibo sa deadly virus.

Requirements ang negative na RT-PCR test, hotel booking at QR code bago payagang makapasok sa isla ang turista.

Kasabay nito, hiniling ni Mayor Bautista ang mga hotel owners na tumulong sa pagberipika sa validity ng mga Coronavirus disease 2019 (COVID-19) certificates ng mga turistang nagpapa-book sa kanila mula sa mga accredited na laboratory center sa Metro Manila.

Kinasuhan sa pamamagitan ng regular filing ang mga nahuling turista na gumagamit ng pekeng RT-PCR test sa Kalibo Regional Trial Court (RTC).