Isasailalim sa lifestyle check ang mga miyembro ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG) sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap ngayon nito dahil sa umano’y pagnanakaw ng 42kilo ng ilegal na driga ng ilang miyembro nito mula sa mga nasabat na droga sa isang malaking operasyon sa Maynila noong nakaraang taon.
Inihayag ito ni PDEG director PBGEN Antonio Olaguera, kasunod ng inihayag ni pno chief PGen Benjamin Acorda Jr na plano nitong buwagin ang special operations unit ng naturabg hanay ng kapulisan.
Aniya, handang tumalima ang kanilang hanay sa kautusang ito lalo na’t bahagi ito ng mahigpit na monitoring sa kanila na pinaniniwalaan niyang mas maganda ang magiging epekto.
Kaugnay nito ay binigyang diin din ng opisyal na ang hakbang na ito ay walang magiging paglabag sa privacy at karapatan ng mga pulis.
Idinagdag din ng PDEG Director na ang puwersa ng pulisya ay walang problema sa pagdating sa manpower upang mahawakan ang mga ilegal drug operation sa mga tanggapan ng rehiyon, probinsiya, at munisipyo sakaling tuluyan nang ipatupad ang pagbubuwag sa special operations unit ng kanilang hanay.