Posibleng malilimitahan lamang sa 15 presidential candidates at 12 vice presidents ang mga kandidato para sa 2022 elections.
Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez na mayroong 82 motu propio cases ang inihain laban sa mga aspirants na nagpasa ng kanilang certificates of candidacy (COC) sa pagkapangulo, 15 naman sa vice president at 108 naman sa pagka-senador.
Dagdag pa nito na ang pinakamaraming presidential candidates na tumakbo ay 10 at ito ay noon pang dekada 90.
Paglilinaw pa ni Jimenez na hindi sila nagdedeklara ng nuisance ang isang kandidato para mabawasan ang listahan at sa halip ay may sinusunod silang mga basehan.
Posible sa daraing sa Disyembre 15 ay maipalabas na ng Comelec ang kumpletong listahan ng mga tatakbo sa lahat ng posisyon para sa 2022 elections.
















