-- Advertisements --
IMG 20190808 185039

Naghain ngayong hapon ng kanilang counter affidavit ang mga taga simbahan na isinasangkot sa kontrobersiyal na “Ang Totoong Narcolist” video.

Kabilang dito sina Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, retired Bishop Teodoro Bacani at Pablo David.

Ang reklamo laban sa mga pari ay isinampa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kasunod ng pagbaliktad ni Peter Joemel Advincula na umaming nasa likod ng Bikoy videos.

Kasama ni Bacani na nagsumite ng kanyang kontra salaysay ang kanyang abogadong si Atty. Christian Monsod.

Bukas ay sisimulan na ng Department of Justice (DoJ) ang preliminary investigation sa kaso.