-- Advertisements --
Nakakalat na ang mga sundalo sa kalsada ng maraming lugar sa Ecuador matapos ipatupad ang 60-araw na state of emergency dahil sa pagpapalaganap ng mga armadong suspek ng kaguluhan.
Mayroong mahigit 130 prison staff ang ginawang bihag ng mga inmates limang prison facilities sa nasabing bansa.
Ipinag-utos na rin ni President Daniel Noboa na tuluyang i-neutarlized ang mga criminal gang na nagdudulot ng mga kaguluhan sa kanilang bansa.
Magugunitang sumiklab ang kaguluhan nitong Lunes matapos ang pagtakas ng lider ng Choneros gang na si Adolfo Macías Villamar.