Mananatiling bukas o operational ang mga sinehan sa Metro Manila kahit pa ibabalik sa ilalim ng Alert Level 3 ang rehiyon simula bukas, January 3, Lunes.
Mababatid na inanunsyo ng pamahalaan kamakailan na ilalagay ang Metro Manila sa ilalim ng bagong alert level hanggang Enero 15, 2022.
Sa ilalim ng Alert Level 3, pinapayagan na makapag-operate ang mga indoor movie theaters sa maximum capacity na 30 percent para sa mga fully vaccinated nang indibdiwal.
Ang mga outdoor movie cinemas naman ay papayagan na makapag-operate ng hanggang 50 percent capacity.
Muling binigyan-diin ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) na kailangan pa ring mahigpit na sundin ang minimum public health standards tulad nang pagsuot ng face mask at pagsunod sa social distancing sa tuwing manonood sa mga sinehan.