-- Advertisements --
Kinansela ng singer na si Peabo Bryson ang kaniyang mga concert matapos na ito ay ma-ospital dahil sa atake sa puso.
Ilan sa mga kinansela nito ay kinabibilangan ng show sa Hammond, Indiana sa Mayo 10, Orlando, Florida sa darating na Mayo 12-13, Greenvile, South Carolina sa Mayo 16 at Bethesda, Maryland sa Mayo 25.
Magugunitang noong nakaraang Sabado ay itinakbo ito sa pagamutan ng makaranas ng mild heart attack.
Tiniyak naman ng kaniyang representative na patuloy na itong gumagaling.