-- Advertisements --

Hindi kumbinsido ang mga senador sa report ng Department of Agriculture (DA) ukol sa kinakaharap na problema sa produkto at presyo ng mga karne.

Laman ng report ni DA Sec. William Dar ang mga aksyon ng ahensya laban sa pagkalat ng African Swine Fever (ASF) at iba pang problema sa agriculture supply.

Pero para kay Senate committee on agriculture and food chairperson Sen. Cynthia Villar, kulang ang mga impormasyon ni Dar sa nasabing ulat.

Wala rin daw malinaw na plano para sa repopulation ng baboy, para matiyak na may supply pa rin ng karne sa mga darating na panahon.

Dahil dito, inatasan ng mga senador ang kalihim na magsumite ng mas malinaw at detalyadong report ukol sa sitwasyon ng agriculture supply.