-- Advertisements --

Kinumpirma ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na may pagpupulong ang mga senador at mga economic manager ni Pangulong Ferdinand Marcos.

Ito ay may kaugnayan sa usapin ng Maharlika Investment Fund (IMF) bill.

Ayon sa senador na gaganapin ang pagpupulong nila sa darating na Enero 30.

Nitong Lunes kasi ay nai-refer na sa Senate Committee on Banks ang bersyon ng senado ng MIF bill na may akda ay si Senador Mark Villar.

Magugunitang sinabi ni Pangulong Marcos na dapat pag-aralang mabuti ng senado ang Maharlika Investment Fund (MIF).