-- Advertisements --
Nasa kustodiya pa rin ng Bureau of Customs ang walo sa 18 luxury cars ni dating Ako Bicol parylist Rep. Zaldy Co.
Ang nasabing mga sasakyan ay nakumpiska ng BOC mula pa noong buwan ng Enero dahil sa may kinalaman sa kurapsyon sa flood control projects.
Dinala sa BOC compound sa Maynila ang nasabing mga sasakyan mula sa Independent Commission on Infrastructure.
Nagtapos na kasi ang termino ng ICI noon pang Marso 31.
Sakaling mapatunayan ng BOC na kuwestiyonable ang dokumento ng mga sasakyan ay maari nilang ipa-auction ang mga ito.
















