-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Pinaghahanda ngayon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa paglikas ang mga residente sa gilid ng Pulangi river sa bayan ng Datu Montawal Maguindanao.

Dulot ito na matinding pagbaha dahil sa pag-apaw ng Pulangi river.

Ito mismo ang kinomperma ni MDRRMO-Officer Balumol Kadiding.

Nasa critical level na rin ang Tunggol Bridge sa bayan ng Datu Montawal.

Matatandaan na halos magdamag na bumuhos ang malakas na ulan sa probinsya ng Cotabato at Maguindanao kagabi.

Sa ngayon ay 24 oras na nakatutok ang LGU-Datu Montawal Maguindanao sa pamumuno ni Mayor Dato Ohto Montawal sa nararanasang baha at agarang tulong sa mga apektadong residente.