-- Advertisements --
Nanawagan si House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na tanggalin na ang mga purchase booklet requirements para mabigyan ng 20 percent na diskuwento ang mga senior citizens.
Sinabi nito na ang nasabing booklet ay siyang dagdag na pahirap sa mga senior citizens.
Tila insulto ito sa mga senior citizens dahil dapat ay sapat na ang kanilang senior citizens ID tuwing sila ay bibili sa mga grocery stores.
Sinang-ayunan naman ni United Senior Citizen partylist Representative Milagros Aquino-Magsaysay ang panukala na ito ni Tulfo.










