Nanawagan si House Deputy Speaker Loren Legarda sa national government na magkaroon ng programa para sa sustainable recovery ng bansa sa 2022.
Iginiit ng kongresista na kailangan na mailatag na ang mga programa ng pamahalaan hinggil sa pagkakaroon ng maayos na healthcare system, bukod pa sa tungkol sa edukasyon, trabaho at kabuhayan ng mga apektado ng apektado ng COVID-19 pandemic.
Dapat na palakasin aniya ang budgetary support sa mga pangunahing ahensya ng pamahalaan.
Ito kasi ang nakikita niyang susi para makamit ang tuluyang pagbangon ng bansa mula sa pandemya.
Nabatid na ang budget ng DOH para sa susunod na taon ay nagkakahalaga ng P77.46 billion para sa Covid-19 initiatives at health care programs.
Kabahagi lamang ito ng kabuuang panukalang pondo na P242 billion.










