-- Advertisements --
red tide

Muling nabawasan ang bilang ng mga baybaying dagat sa bansa na apektado ng red tide.

Ito ay matapos ideklara ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na ligtas mula sa toxic na red tide ang mga baybayin sa San Pedro Bay sa probisnya ng Samar at Lianga Bay sa Surigao Del Sur.

Batay sa resulta ng isinagawang laboratory test sa mga ito, negatibo na mula sa paralytic shellfish poision ang mga lamang dagat sa mga ito.

Ibig sabihin, maaari nang kainin ang mga shellfish at mga lamang dagat na nakukuha sa mga nasabing karagatan.

Sa buong Pilipinas, dalawang baybayin na lamang ang positibo sa red tide, na kinabibilangan ng Dumanguillas bay sa Zamboanga del Sur, kasama ang mga baybayin sa bayan ng Dauis at Tagbiliran City, sa probinsya ng Bohol.