Papayagan na ng Department of Transportation (DOTr) ang mga drivers at operators tanggalin ang mga plastic barriers sa loob ng mga pampublikong sasakyan na sisimulan sa darating na Huwebes, Nobyembre 4, 2021.
Sa isang pahayag, sinabi ni DOTr Assistant Secretary na maaari nang tanggalin ang mga plastic barriers dahil wala umano silang nakitang medical findings na nakakatulong ito na maiwasan ang hawaan ng COVID-19 virus.
Aniya, ang nasabing mga barriers ay maari pang makapagpabilis sa pagkalat ng sakit dahil madali itong makakapitan ng virus dahil sa mga plastic materials nito.
Samantala, patuloy padin na pinaalalahanan ng DOTr ang mga pasahero na mag-ingat at huwag kalimutan na sumunod sa mga ipinatutupad na health and safety protocols upang makaiwas sa panganib na dala ng COVID-19 virus.
Matatandaan na sa darating na Nobyemre 4, 2021 ay magsisimula nadin ang pagpapatupad sa 70% seating capacity sa ilang mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila. (Marlene Padiernos)