-- Advertisements --
May mataas na pangangailangan ngayon na mga Filipino skilled workers sa Poland.
Ayon kay Polish Vice Consul Tomasz Daniel na halos taon-taon ay tumaas ang bilang ng pangangailangan sa mga construction workers, welders, pipe fitters at drivers.
Noong nakaraang taon lamang ay naglabas ang Polish government ng mahigit na 2,000 work permit na mas mataas ito ng 100 percent kumpara noong mga nagdaang taon.
Inaasahan nila sa loob ng unang limang buwan ng 2023 ay darami ang bilang ng mga mga skilled workers na mga Pilipino na magtatrabaho sa kanilang bansa.