-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nakisaya rin ang Filipino community sa United Kingdom sa festivities na isinagawa upang ipagdiwang ang ika-70 anibersaryo ni Queen Elizabeth sa British throne.

Ayon sa report Bombo international correspondent Ramil Isogon direkta sa United Kingdom, kabilang ang mga Pinoy sa libu-libong Royal fans na dumalo sa unang araw ng four-day festivities sa London.

Dumagsa ang flag-waving fans sa The Mall upang makita ang royals, habang may mga pumuwesto naman sa ilang central London locations upang makita ang royal family sa big screens.

Kapansin-pansin rin ang ilan na A-plus ang effort sa costume para sa okasyon kagaya ng Union Jack habang may costume naman na inspired sa troops ni Queen Elizabeth.

Ani Isogon, nag-umpisa ang Jubilee celebrations sa Trooping the Colour parade kung saan dalawang beses na nakita ang 96-anyos na monarch sa balcony ng Buckingham Palace.

Si Queen Elizabeth II ang kauna-unahang monarch na nag-celebrate ng platinum year of 70, isang maituturing na unprecedented feat sa monarchy sa Britanya.