Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ligtas at nasa maayos na kalagayan ang mga Pinoy sa Russia kasunod ng inilunsad rebelyon ng pribadong mercenary group na Wagner nitong weekend.
Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo De Vega na aabot sa 10,000 Pilipino ang nasa Russia at 9,000 sa kanila ang nasa kabisera ng Moscow.
Tinawagan na rin aniya ng Embahada ng Pilipinas doon ang bawat 11 Pilipino na nasa Rostov-on-Don, na una ng pinasok ng Wagner at ligtas ang mga ito.
Natapos na rin aniya ang mini-rebellion na inilunsad ng naturang grupo kaya bumabalik na sa normal ang sitwasyon sa Russia.
Sa kabila nito, nananatiling vigilant pa rin ang mga awtoridad sa gitna ng hindi pa rin natatapos na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon pa sa kalihim wala pa sa mga Pilipino na nasa Russia kabilang ang mga nasa kabisera ng Rostov ang nagpahayag ng kahilingan na lisanin ang naturang bansa o nais na lumikas.