-- Advertisements --

Asahan na ang pagbisita sa Pilipinas ng ilang mga batikan at bagitong mga manlalaro ng NBA, matapos makumpleto ng TEAM USA ang kanilang roster para sa 2023 FIBA Men’s World Cup na gaganapin mula Aug 10 hanggang Sept. 10.

Sa pinal na roster ng 2023 USA Basketball Men’s National Team, kinabibilangan ito ng mga sumusunod:

  • Paolo Banchero (Orlando Magic)
  • Mikal Bridges (Brooklyn Nets)
  • Jalen Brunson (New York Knicks)
  • Anthony Edwards (Minnesota Timberwolves)
  • Tyrese Haliburton (Indiana Pacers)
  • Josh Hart (Knicks)
  • Brandon Ingram (New Orleans Pelicans)
  • Jaren Jackson Jr. (Memphis Grizzlies)
  • Cameron Johnson (Brooklyn Nets)
  • Walker Kessler (Utah Jazz)
  • Bobby Portis (Milwaukee Bucks)
  • Austin Reaves (Los Angeles Lakers)

Ayon kay USA Basketball Men’s National Team managing director Grant Hill, tiyak na maipagmamalaki ang mga nasabing player sa gaganaping turneyo sa Manila.

Tiwala rin si Hill sa kakayahan ng mga nasabing players, para maipanalo ang FIBA.

Ang mga nabanggit na players ay nakatakdang magtungo dito sa bansa ilang araw bago ang pagsisimula ng FIBA 2023. Masusubukan naman ang kakayahan ng mga ito sa Agusto 26 laban sa New Zealand, habang sa Agusto 28 ay makakatapat nila ang Greece

Magpapatuloy ang Team USA sa kanilang kampanya dito sa Pilipinas, hanggang sa Agusto-30, kung saan makakalaban nila ang Jordan.