
Pinag-iingat ng Embahada ng Pilipinas sa Egypt ang mga Pilipinong nasa Sudan at pinayuhang manatili muna indoors sa gitna ng labanan sa capital ng Khartoum.
Sa inilabas na advisory, hinihimok ng Embahada ang mga Pilipino na makipag-ugnayan sa konsulada sa Khartoum at Philippine Embassy sa Cairo kaugnay sa kanilang sitwasyon at magpadala ng kanilang detalye.
Ito ay matapos na pumalo na sa 56 na mga sibilyan ang napatay at daan-daan ang nasugatan sa nagpapatuloy na labanan sa pagitan ng magkatunggaling heneral na naagaw ang kapangyarihan sa gobyerno ng Sudan sa inilunsad na kudeta noong 2021.
Sumiklab ang kaguluhan umaga ng Sabado matapos ang ilang linggong conflict sa pagitan ng
army chief na si Abdel Fattah al-Burhan at kaniyang deputy na si Mohamed Hamdan Daglo, commander ng malaki at heavily-armed paramilitary na Rapid Support Forces (RSF) na nagtuturuan na nagsimula ng gulo sa nasabing bansa sa North Africa.










