Inabisuhan ng Philippine Embassy in Jordan ang mga Pilipinong doon na iwasan ang mga lugar na pinagdarausan ng mga kilos-protesta.
Ito ang payo ng naturang embahada sa gitna ng mga mga demonstrasyon at welga ng ilang mga grupo sa naturang bansa kaugnay pa rin sa nangyayaring kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas.
Hinikayat din ang mga Pilipino na mag-ingat sa lahat ng oras, partikular na malapit sa mga lugar ng protesta, at ipagpaliban ang hindi mahalagang paglalakbay sa kalsada sakaling magkaroon ng mga demonstrasyon.
Samantala, kasabay nito ay nag-abiso rin ang pH embassy in Jordan sa mga kababayan natin na subaybayan ang pinakabagong mga development sa mga pangyayari sa pamamagitan ng mga mapagkakatiwalaang source, at sundin ang mga tagubilin mula sa mga lokal na awtoridad sa pagpapatupad ng batas