-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN-Kahit delikado ang sitwasyon sa Israel ay pipiliin na lamang nilang manatili rito dahil sa ms magandang oportunidad.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Sonny Matula, Presidente ng Federation of Free Workers, sinabi nito na walang kasiguraduhan ang oportunidad sa Pilipinas at mababa at kadalasan ay kulang pa ang kinikita kaya naman mas pipiliing manatili pa rin sa Israel.

Kaya naman ginagawa ng gobyerno ng Pilipinas na protektahan ang mga kababayan sa naturang bansa at dinadala ang mga ito sa ligtas na evacuation centers.

Samantala, para naman sa nais umuwi na ng bansa ay nakahanda ang Department of Labor and Employment upang mamigay ng assistance sa mga ito.

Ayon kay Matula, sinabi ni Sec. Bienvenido Laguesma, na mabibigyan ng Financial Assistance ang mga uuwing unemployed sa Pilipinas bilang
uporta sa mga ito.

Base sa datos, mas mataas na ngayon ang employment rate sa bansa ngunit karamihan dito ay ang self-employed o mula sa family business.

Aminado naman siya na walang malaking oportunidad sa bansa kaya naman magiging malaking tulong naman ang Trabaho sa Bayan Act upang makalikha pa ng mga trabaho para sa mamaamyang unemployed.

Hiling naman niya na matulungan ng gobyerno kasama ang iba’t ibang partnerships upang makapagbigay ng regular na trabaho.