-- Advertisements --
public

Bahagyang bumaba ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho noong buwan ng Nobiyembre ng nakalipas na taon.

Base sa ulat mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) nakapagtala ng 2.18 million Pilipino ang unemployed sa nasabing period.

Ito mas mababa kumpara sa naitalang tinatayang 2.24 million noong Oktubre 2022.

Ito ay katumbas ng national unemployment rate na 4.2%.

Bagamat inaasahan naman ng mga negosyo na mas maraming seasonal workers ang nabigyan ng oportunidad sa trabaho sa huling quarter ng nakalipas na taon dahil na rin sa holiday spending.

Ayon sa PSA, tumaas ang bilang ng mga Pilipino may trabaho sa 49.71 million mula sa 47.11 million noong oktubre ng 2022 at 45.47 million noong November 2021.

Dahil dito, pumalo ang employment rate sa 95.8%, mas mataas ng 95.5% rate noong October 2022 at 93.5% noong November 2021.

Samantala, patuloy pa rin na nakakaranas ang mga Filipino consumer ng mataas na presyo sa mga bilihin at serbisyo kung saan naitala naman ang inflation rate sa 8% noong Nobiyembre 2022.