-- Advertisements --

IMG 20200428 123551

Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga sa dayuhang lumalabag sa enhanced community quarantine (ECQ) protocols na pinaiiral ng bansa sa gitna ng kinahaharap na Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, hindi raw exempted ng batas sa ECQ ang mga banyagang nasa Pilipinas.

Partikular na tinutukoy ng opisyal ang Section 6 ng “Bayanihan to Heal as One Act” na nagsasaad na sino mang alien offenders ay pananaguting sa batas at pababalikin sa kanilang bansa.

Ang babala ng Immigration ay kasunod ng pagsuway ng isang banyaga sa Makati City sa ECQ policy na umiiral sa lungsod.

Bukod pa rito ang mga naarestong Chinese workers ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Parañaque na nahuling lumalabas sa panahon ng curfew at may dala pang baril.